Pulong nina US Secretary of Defense Lloyd Austin at DND Sec. Carlito Galvez, sasalubungin ng kilos-protesta

Sasabayan ng pagkilos ng mga militanteng grupo ang nakatakdang pulong bukas nina United States Secretary of Defense Lloyd Austin, Department of National Defense Carlito Galvez Jr., at ilan pang matataas na opisyal ng pamahalaan.

Ayon sa grupong Bagong Alyansang Makabayan, magkakasa sila ng kilos-protesta sa Kampo Aguinaldo bukas, alas-10:00 ng umaga.

Sinabi pa ng Bagong Alyansang Makabayan na mariin nilang tinututulan ang pagbisita ni Austin sa Pilipinas dahil layon lamang nitong ibalik ang Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) na nangangahulugang pagbabalik ng mga base militar ng Amerika sa bansa.


Naniniwala rin ang grupo na kapag nagkaroon muli ng US bases sa bansa ay magiging mitsa lamang ito ng tensyon sa pagitan ng China at US kung saan maiipit ang Pilipinas.

Nananawagan din ang grupo na wag limutin ang mga pang-aabuso na naganap noong may mga Amerikano at base pa sila sa Pilipinas sa ilalim ng Visiting Forces Agreement (VFA).

Facebook Comments