US Secretary of Defense Lloyd James Austin, nakatakdang mag-courtesy call kay PBBM ngayong umaga sa Malacañang

Magkakaharap sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., at US Secretary of Defense Lloyd James Austin ngayong umaga sa Malacañang.

Alas-10:00 ng umaga inaasahan ang pagkikita ng pangulo at ni Austin na naka-schedule na mag-courtesy call sa presidente sa Palasyo.

Bahagi ng programa sa courtesy call ang guest book signing ng bibisitang opisyales ng Amerika at pagkatapos nito ay ang tradisyunal na handshake nila ng pangulo.


Pero bago ang pakikipagkita sa pangulo ay may side meeting na muna si Secretary Austin kay National Security Adviser Eduardo Año at Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Enrique Manalo.

Gagawin ito sa Aguado Mansion ng alas-8:45 ngayong umaga.

Facebook Comments