GOOD NEWS: ISANG AGRI TOURISM FARM SA POZORRUBIO, MULING BUBUKSAN PARA SA PUBLIKO

Muling bubuksan para sa publiko ang Farmers’ Love AgriTourism Farm sa Barangay Imbalbalatong,Pozorrubio Pangasinan nitong nalalapit na Pebrero 4 ngayong taon. Isa ito sa perfect place para sa lahat ng mga magcecelebrate ng Love Month.
Ito na ngayon ay mas napaganda, mas makukulay na ang mga rosas at tiyak na masusulit mo dahil sa napakagandang view. Pinaghandaan ng LGU sa nasabing bayan ang kanilang Agritourism farm. Ayon sa kanila, hindi lang ordinaryong flower farm ito dahil mas gumamit sila ng high quality ornamental plants.
Para sa lahat ng mga mahihilig sa rosas, at naghahanap ng mapagpapasyalan, ang farmers love agritourism farm ay bukas sa publiko alas otso ng umaga hanggang alas sais ng gabi. |ifmnews

Facebook Comments