World – Bibisita ng Pilipinas si U.S. Secretary of State Rex Tillerson.
Magtutungo din si Tillerson ng Thailand at Malaysia mula August 5 hanggang 9.
Dadalo si Tillerson sa ASEAN meeting sa Manila para pag-usapan ang denuclearization ng Korean Peninsula, Maritime Security at Counterterrorism.
Ayon sa State Department – pagtitibayin ng mga biyahe ni Tillerson ang pangako ng administrasyon na mas magpapalawig at pagpapaganda ng mga “economic and security interests” ng U-S sa Asia-Pacific Region.
Bukod kay Tillerson, dadalo rin sa ASEAN meeting si Russian Foreign Minister Sergei Lavrov at iba pang lider at kinatawan ng ASEAN.
Facebook Comments