Taguig – Nagtungo kanina si US Secretary of State Rex Tillerson sa Manila-American Cemetery sa Taguig City.
Nag-alay ng bulaklak si Secretary Tillerson sa mga Amerikano at Pilipinong nagbuwis ng buhay noong World War II.
Kagabi, dumating sa bansa si Tillerson para dumalo sa ASEAN Ministerial Meeting.
Kabilang sa inaasahang bubuksan ng US Senior official sa ASEAN meeting ang hinggil sa human rights issues sa Pilipinas gayundin ang sitwasyon sa kaguluhan sa Marawi City.
Facebook Comments