Tinawag na ‘ignorante’ ni Presidential spokesman Salvador Panelo si US Senator Patrick Leahy.
Ito ay matapos sabihin ng US senator na ‘wrongful imprisonment’ ang ginawang pag-aresto at pagkulong kay Senadora Leila De Lima na isinasangkot sa iligal na droga.
Ayon kay Panelo – hindi pa nakakapunta sa bansa si Leahy para tingnan ang kaso ni De Lima kaya wala itong resonableng batayan sa kanyang sinasabi.
Matatandaang nitong nakaraang linggo ng aprubahan ng US senate Panel ang resolusyong travel ban sa Amerika laban sa mga opisyal ng gobyerno ng Pilipinas na sangkot sa pagpapakulong kay De Lima.
Facebook Comments