Red notice laban kay “drug queen” Guia Gomez Castro – hiniling

Hiniling na ng pamahalaan ang paglalabas ng red notice laban sa tinaguriang “drug queen” ng Maynila na si Guia Gomez Castro.

Kasunod ito ng hininging tulong ng gobyerno sa International Criminal Police Organization (INTERPOL) para maaresto ang drug queen.

Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año – ipinalalabas ang red notice para alertuhin ang lahat ng police organization sa buong mundo laban sa isang wanted fugitive.


Nakikipag-ugnayan na rin aniya ang security officials ng Pilipinas sa mga counterpart nito sa ASEAN countries para mabilis na mapabalik sa bansa si Castro.

Tukoy na rin ng mga otoridad ang kinaroroonan ni Castro pero hindi na nagbigay ng iba pang detalye si Año.

Facebook Comments