Marawi City, Philippines – Namataan ang isang US spy plane kanina sa himpapawid ng Marawi City sa kasagsagan ng nagpapatuloy na bakbakan sa pagitan ng militar at Maute-ISIS Group.
Ayon sa ulat, ito ay ang US P3 Orion Intelligence, na isang reconnaissance at surveillance aircraft.
Kamakailan ay inamin ng tagapagsalita ng Army First Infantry Division na si Lt. Col. Jo-Ar Herrera na nagbibigay ng tulong technical ang mga amerikano sa mga sundalong Pilipino.
Gayunpaman, nilinaw ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na hindi lumalahok sa combat operations ang US forces.
Giit ni Herrera, kabilang sa mutual defense treaty ang pangako ng America na tumulong sa mga operasyon kontra terorismo ngunit ito ay nalilimitahan lamang sa mga exercises, training at technical assistance.
Matatandaan na noong Lunes lamang ay namahagi rin ng counterterrorism weapons ang US sa Philippine marines tulad ng pistols, machine guns at grenade launchers.
DZXL558