Presidential Communications Operations Office, inilabas ang listahan ng mga pangalan ng sundalo at pulis na namatay sa bakbakan sa Marawi City

1863

Marawi City, Philippines – Inilabas na ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) ang listahan ng mga pangalan ng mga sundalo at pulis na Killed In Action (KIA) sa nagpapatuloy na bakbakan sa Marawi City.

Makikita sa listahan na may 45 pangalan na ang 40 dito ay nagmumula sa Philippine Army, dalawa naman ay mula sa Philippine Marines, at tatlo ay mula sa Philippine National Police (PNP).


Mababatid na umaabot na sa 200 ang kabuuang bilang ng mga namamatay sa Marawi na kung saan 30 dito ay mga sibilyan at 134 naman ay kabilang sa Maute-ISIS Group.

Samantala, tinatayang nasa mahigit 200,000 naman ang bilang ng mga residente na nakalikas na mula sa Marawi City.
DZXL558

Facebook Comments