US, tinanggihan ang alok na preparatory talks sa China

Sinopla ng Estados Unidos ang alok ng China na magkaroon ng preparatory trade talks ngayong linggo bago ang nakatakdang high-level negotiations sa susunod na linggo.

Ito ay base sa report ng financial times.

Ang panukalang biyahe nina Chinese Vice Commerce Minister Wang Shouwen at Vice Finance Minister Liao Min ay inalok para bigyang daan ang pag-uusap sa pagitan ni Chinese Vice Premier Liu He at mataas na U.S. officials na nakatakda sa January 30-31.


Patuloy na nalulugi ang U.S. Stocks at humihina rin ang dolyar sa Japanese yen bunsod ng trade war sa pagitan ng Washington at Beijing.

Facebook Comments