Pacman, binisita si Stephen Curry

Binisita ni Manny Pacquiao si NBA star Stephen Curry ng Golden State Warriors matapos ang naging panalo nila kontra Los Angeles Lakers sa score na 130-111 sa Staples Center.

Kasama ang buong pamilya, nakipag-bonding sina Manny kay Steph habang nasa dugout ito kung saan kapwa sila nagpasalamat sa suporta ng bawat isa.

Bukod dito, muli din nagkita sina Manny at Floyd Mayweather Jr. sa nasabing laro pero hindi na sila nagkaroon ng pagkakataong mag-usap.


Hindi pa naman sigurado kung kailan babalik si Pacquiao sa Pilipinas dahil nais muna niyang malaman kung ano ang magiging resulta ng imbestigasyon sa nangyaring nakawan sa mismong bahay nila sa L.A.

Facebook Comments