Tiniyak ng Estados Unidos na tutulungan ang Pilipinas sa isyu ng agawan ng teritoryo sa West Philippines Sea (WPS).
Ito ang sinabi ni U.S. Secretary of State Mike Pompeo kasabay ng pagkikita nila ni Pangulong Rodrigo Duterte
Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo – handa ang Amerika na protektahan ang Pilipinas sakaling magkaroon ng pag-atake sa pinag-aagawang teritoryo.
Kabilang sa nasabing tulong ay ang mga armas at ang pag-deploy ng U.S. Troops sa bansa.
Paliwanag pa ng Palasyo, bahagi ito ng mutual defense treaty ng dalawang bansa kung saan nakasaad na magtutulungan sa oras ng mga pag-atake.
Facebook Comments