US visit ni PBBM, itinuturing na tagumpay ng Senado

Pinuri ni Senate President Juan Miguel Zubiri ang tagumpay ni Pangulong Bongbong Marcos sa pagbisita sa Estados Unidos.

Ayon kay Zubiri, ang United States visit ni Marcos ay maituturing na ‘home run’ dahil sa positibong resulta ng pagdalo nito sa United Nations General Assembly (UNGA), pakikipagdayalogo sa mga business sector at sa Filipino community at ang bilateral meeting sa pagitan ni US President Joe Biden.

Sinabi ng Senate president na naipakita naman sa mensahe ni PBBM na ‘back in business’ na ang Pilipinas sa lahat ng mga naging aktibidad na ginawa nito sa Estados Unidos.


Ito aniya ang isang uri ng ‘face-to-face diplomacy’ na nagbunga ng malaking pakinabang sa buong sambayanan mula sa paglikha ng pamumuhunan na lilikha ng maraming trabaho at mga kasunduan na nagsusulong sa kapakanan ng lahat ng mga Pilipino.

Sinabi naman ni Senator Loren Legarda na ang ugnayan sa Estados Unidos at Pilipinas ay malalim na ang pinag-ugatan mula pa sa kasaysayan at kulturang pinagdaanan ng dalawang bansa.

Ang US aniya ay isang kaalyado na maasahan lalo na bilang pambalanseng pwersa sa patuloy na pagbabago ng geopolitical landscape.

Facebook Comments