WHO, nilinaw na hindi pa tapos ang COVID-19 pandemic

82

Nilinaw ng World Health Organization (WHO) na hindi pa tapos ang COVID-19 pandemic.

Aminado ang WHO na hindi pa nila masasabi kung kailan magkakaroon ng liwanag sa pandemya.

Ayon sa WHO, mahaba-haba pa ang laban na tatahakin ng buong mundo para makakita ng liwanag.


Anila, nakasalalay rin ito sa mga tao lalo na’t marami pa rin ang hindi nagpapaturok ng COVID vaccine.

Ang paglilinaw ng WHO ay sa harap ng pagluluwag ng maraming mga bansa sa health protocols kabilang na ang pag-alis sa mandatory na pagsusuot ng face mask.

Facebook Comments