US$5.56 billion na foreign borrowings ng public sector sa unang bahagi ng 2023, inaprubahan ng BSP

Inaprubahan na ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang US$5.56 billion na foreign borrowings ng public sector.

Ito ay para sa January hanggang March 2023 kung saan mas mataas ito ng 16 percent kumpara sa inaprubahan noong nakaraang taon na US$4.80 billion.

Ang nasabing borrowings ay gagamitin para sa general budget financing at sa refinancing ng assets ng National Government.


Kabilang dito ang Sustainable Finance Framework ng bansa na aabot sa US$3.0 billion.

Dito rin kukunin ang COVID-19 pandemic response at recovery programs gayundin ang pagpapatayo ng infrastructure at education projects.

 

Facebook Comments