Ibinasura ni incoming National Security Adviser Secretary Clarita Carlos ang usapang pang-kapayapaan sa pagitan ng gobyerno at ng Communist Party of the Philippines (CPP).
Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Carlos na napakatagal ng panahon na nagsasagawa ng peace talks subalit wala namang nangyayari.
Sinabi pa nito na tapos na ang panahon ng peace talks kung saan sa ngayon ay mga ipinatutupad ng kasunduan o programa sa mga rebelde ang pamahalaan.
Aniya, mas makabubuti kung isama na lamang ang mga rebeldeng grupo sa pagpapatupad ng mga programang ito at patuloy silang iimbitahan ng gobyerno para sumali sa mga pagbabalik-loob.
Kasunod nito, nagpasaring pa si Carlos sa mga lider ng rebeldeng grupo at sinabing ‘wag na lamang makialam dahil hindi naman talaga nila alam ang totoong sitwasyon ngayon sa bansa dahil nasa ibang bansa naman sila nakatira at nagtatago.