Manila, Philippines – Isasabotahe ni Pangulong Rodrigo Duterte ang peace talks.
Ito ang hinala ni Communist Party of the Philippines Founding Chairman Jose Maria Sison kasunod ng hindi muna matutuloy na usapang pangkapayapaan ngayong buwan.
Sabi ni Sison, Posibleng magdeklara ng martial law si Pangulong Rodrigo Duterte para maipagpaliban ang negosasyon at hindi na makaalis sa bansa ang mga opisyal ng CPP-NPA.
Malabo rin kasi aniya ang sinasabi ng gobyerno sa gagawin nitong public consultation.
Alam din naman daw ng gobyerno na dapat ay masimulan na ngayong Hunyo ang peace talks dahil sa sunud-sunod na holidays ng Norweigian Government sa susunod na buwan.
Nagsisilbing third party facilitator sa pag-uusap ng gobyerno at rebelde ang gobyerno ng Norway.