USAPANG PANGKAPAYAPAAN | DND at PNP, suportado pa rin ang peace talks; Pero makakaliwang grupo, dapat maging seryoso

Manila, Philippines – Nanatili ang suporta ng Department of National Defense (DND) at Philippine National Police (PNP) na magkaroon pa rin ng peace talks sa pagitan ng Communist Party of the Philippines – New People’s Army – National Democratic Front of the Philippines o CPP-NPA-NDF.

Pero pareho ang kanilang hiling sa makakaliwang grupo ito ay maging seryoso na sa usapang pangkapayaan at magkaroon ng kontrol sa kanilang mga tauhan sa pagkakataong ito.

Ginawa ng DND at PNP ang pahayag matapos ang pahayag kahapon ni Pangulong Rodrigo Duterte na bukas pa rin siya sa pakikipag-usap sa CPP NPA NDF.


Sinabi ni Secretary Lorenzana, dapat wala nang pag-atake, pangongotong at pangingidnap sakaling muling ituloy ang peace talks.

Ganito rin ang hiling ni PNP Spokesperson Police Chief Supt John Bulalacao dahil maging ang hanay aniya ng PNP ay nais magkaroon ng pangmatagalang kapayapaan kung magiging matagumpay ang usapang pangkapayapaan.

Matatandaang kahapon lang ay nanindigan si Lorenzana na hindi nya irerekomenda sa pangulo ang pagkakaroon ng peacetalks sa CPP-NPA-NDF.

Facebook Comments