ASIAN YOUTH CHAMPIONSHIPS 2018 | Fide Master John Marvin Miciano, solo leader na

Thailand – Wala pa rin mantsa ang kartada ni Fide Master John Marvin Miciano sa ginaganap na Asian Youth Chess Championships 2018 sa Chiang Mai, Thailand.

Naitala ni Miciano ang kaniyang ikaapat na panalo sa apat na laro at haharapin nito sa ikalimang round si FM Xu Zhihang ng China.

Sakaling magtagumpay si Miciano sa torneo, agad siyang hihiranging International Master. At kakayanin nitong maging Grand Master sa loob ng dalawang taon.


May pag-asa pa rin makahabol sa leader board ang isa lang Pinoy na kalahok sa torneo.

May 2.5 points o tabla sa ikawalong puwesto sa overall standings si Daniel Quizon patungo sa 5th round.

Facebook Comments