Manila, Philippines – Bukas ang National Democratic Front of the Philippines (NDFP) sa posibilidad na ituloy ang peace talks sa gobyerno kahit walang preconditions.
Sa isang panayam, sinabi ni Fidel Agcaoili, Chief Negotiator ng NDFP, na hawak pa rin nila ang dokumento kung hindi lang sana nakansela ang peace talks noong 2017.
Aniya, kung natuloy lang ang mga formal meetings, tiyak niyang nalagdaan na ang mga dokumento at tinatamasa na sana ang unilateral coordinated ceasefire.
Bukod rito, kabilang din aniya sana sa mga nalagdaang ay ang general amnesty para sa mga political prisoners at ang working committees.
Gayunman, iginiit ni Agcaoili, na dapat maresolba ang pagdeklara ng gobyerno sa Communist Party of the Philippines (CPP) at New People’s Army (NPA) bilang terorista.