Manila, Philippines – Nagbigay ng 60 araw na palugit si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga komunistang grupo para isuko ang kanilang mga armas.
Ayon sa Pangulo, magiging kapalit ng pagsuko ng kanilang armas ang kanilang kalayaan na gumalaw ng normal at ang maayos na pakikitungo sa kanila ng mga sundalo at mga pulis.
Muli ring inimbitahan ng Pangulo si Communist Party of the Philippine Founder Jose Maria Sison na umuwi ng Pilipinas para ituloy ang peace talks.
Giit ng Pangulo, si Sison ang dapat magtungo sa bansa dahil Pilipinas ang kanilang pinag-aawayan.
Aniya, handa niyang sagutin ang pamasahe at pagkain ni Sison kapag bumalik na ito ng Pilipinas.
Facebook Comments