Usapang pangkapayapaan sa lokal na lebel, pinakamabisang paraan para kausapin ang mga rebelde

Para kay Presidential aspirant Senator Panfilo “Ping” Lacson, ang usapang pangkayapaan sa lokal na lebel ang pinakamabisang paraan para kausapin ang mga rebelde.

Ayon kay Lacson, sa paraang ito mas mahusay na makikipag-ugnayan ang gobyerno sa mga nakakaalam ng kanilang sitwasyon.

Una ng inirekomenda ni Lacson ang localized peace talks sa kasagsagan ng Senate committee hearing na dinaluhan nina dating Presidential Adviser on the Peace Process Jesus Dureza at Labor Secretary Silvestre Bello III.


Paliwanag ni Lacson, nasa posisyon ang mga Local Government Units (LGUs) para mas matukoy at mabigyang solusyon ang sitwasyon at pangangailangan ng mga rebelde sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Sabi ni Lacson, maari namang magbigay ng malinaw na pamantayan ang gobyerno para sa mga isasagawang pag-uusap kaakibat ng assistance at supervision nito.

Dagdag pa ni Lacson, dapat na maging kasabay ng usapang pangkapayapaan ang pagdevelop sa mga lugar na inalisan na ng New People’s Army (NPA) para maiwasan ang pagbalik ng NPA surrenderees sa pagiging rebelde.

Para mangyari ito, ay nangako si Lacson na itatama nya ang ilang kamalian sa pag-iimplementa ng programa ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) para magamit ang pondo sa mga dapat na kalagyan nito.

Facebook Comments