Umaasa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa mas matatag collaboration sa Japan na may kinalaman sa iba’t ibang areas of mutual interest.
Ang pahayag ay ginawa ng pangulo matapos ang ginawang courtesy call ni Dr. Mori Masafumi, ang Special Advisor to Japanese Prime Minister Fumio Kishida.
Sinabi ng pangulo, nais niyang makatrabaho ang Japanese Government na may kaugnayan sa climate change, maritime security, isyu sa West Philippines Sea, agriculture at food security, maging infrastructure development.
Sinabi naman ni Masafumi na ang Japan ay nanatiling solid at matagal nang partner ng Pilipinas.
Kaya inaasahan niyang mas magiging matibay ang strategic partnership ng Japan at Pilipinas.
Hindi aniya nakakalimutan ng Japan Government ang commitment sa Pilipinas na ituloy ang mutual high-level engagements and bilateral platforms para makamit ang inaasahang enhanced strategic partnership.