SP Zubiri, nagkaloob ng tulong sa mga Mindanaoan na hinagupit ng Bagyong Paeng

Nagpaabot ng tulong si Senate President Juan Miguel Zubiri sa lugar sa Mindanao na matinding hinagupit ng Bagyong Paeng.

Namahagi si Zubiri ng 1,500 sako ng bigas sa mga apektadong komunidad sa Zamboanga City, probinsya ng Maguindanao del Norte, Cotabato City, at probinsya ng Maguindanao del Sur at Sultan Kudarat.

Nilinaw ni Zubiri na walang public funds na ginamit sa pagbili at pamamahagi ng mga bigas sa mga residenteng sinalanta.


Bagama’t buong bansa aniya ang halos pininsala ng Bagyong Paeng pero mas matindi ang naging epekto ng bagyo sa Mindanao.

Kailangan aniya ng tuloy-tuloy na tulong sa mga tagaMindanao at nagpapasalamat ang senador sa mga nagpaabot ng tulong sa kanyang mga kababayan.

Facebook Comments