Usapin sa Lupa sa Bangsamoro Homeland tinutugunan ng DENR ARMM

Patuloy ang pagsusumikap ng Department of Environment and Natural Resources ng Autonomous Region in Muslim Mindanao na maayos ang lahat ng land record at magkaroon ng orihinal na titulo ang lahat ng mga nagmamay- ari ng lupa sa rehiyon.

Bagaman nasimulan na ang mga inisyatiba ng ahensya sa rehiyon sa pamamagitan ng land survey at pamamahagi ng libreng titulo na kabilang sa Humanitarian and Development Action Plan ni ARMM Governor Mujiv Hataman , aminado si DENR ARMM Secretary Kahal Jack Kedtag na malaki pa rin ang nakaatang na obligasyon sa kanilang tanggapan para tuluyang matuldukan ang usapin sa lupa sa ARMM sa panayam ng DXMY- RMN Cotabato.

Matatandaang isa ang awayan sa lupa o land conflict sa naging sagabal sa pag usad ng kaunlaran sa rehiyon at dahilan ng tila mailap na kapayaan para sa mga bangsamoro noong mga nagdaang taon.


Samantala, kasabay ng kanyang pagdalo sa Bangsamoro General Assembly, mariing sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na kanyang pagsisikapang walang maiiwan sa kanyang administrasyon mapa Muslim, Kristyano at Lumad. Nangako rin si PD30 na matugunan ang Historal Issues, Land Concerns at Social Injustices sa Bangsamoro Homeland.

Facebook Comments