Usapin sa paghahanda ng COMELEC para sa 2022 national and local elections, muling didinggin sa Senado

Aalamin ngayon ng Senado ang mga ginagawang paghahanda ng Commission on Elections (COMELEC) para sa 2022 national and local elections.

Bukod dito, nais din nilang malaman ang paliwanag ng COMELEC sa mga isyu ng ginaganap na overseas voting partikular ang pamamahagi ng umano’y pre-shaded na balota.

Ngayong alas-10:00 ng umaga, itinakda ng Senate Committee on Electoral Reforms and People’s Particiaption kung saan sa inilabas na abiso nito, nais malaman ng komite ang paliwanag ng COMELEC hinggil sa nabanggit na isyu bukod pa sa mga ulat na nakatanggap ng dalawang balota ang isang overseas voter.


Kasama rin sa gagawing pagdinig ang pagtalakay sa ginawang pagbawal umano sa observers na pumasok para makita ang pag-iimprenta ng mga balota sa National Printing Office gayundin sa pagbabawal umano na makita ang configuration sa SD Cards sa mga vote counting machine.

Ilan sa mga dadalo ay mga opsiyal ng COMELEC sa pangunguna ni Chairman Saidamen Pangarungan at mga opisyal ng Department of Foreign Affairs (DFA) na siyang humahawak sa overseas voting.

Bukod dito, inimbitahan rin ang ga IT Expert mula sa Department of Information and Communications Technology (DICT) , mga opisyal ng Smartmatic at mga pribadong sektor.

Facebook Comments