Aprobado na sa Committee Level ng kongreso ang panukalang batas ng paghahati sa probinsya ng Maguindanao.
Kanina , nanguna sa committee hearing si Congressman Noel Villanueva ang syang Chairman ng Committee on Local Government.
Present rin sina Maguindanao 1st District with Cotabato City Representative Datu Roonie Sinsuat at 2nd District Congressman Esmael Mangudadatu.
Dumalo rin sina Maguindanao Governor Bai Mariam Sangki Mangudadatu , Vice Governor Datu Lester Sinsuat at ang halos lahat ng mga local chief executives ng probinsya .
Sakaling mapapaboran ng kongreso at senado, mahahati na sa Southern at Western ang Maguindanao, sinasabing bukod sa labing isang bayan mula sa unang distrito ng lalawigan na kinabibilangan ng Buldon, Barira, Matanog, Parang, Sultan Mastura , Sultan Kudarat,Datu Odin Sinsuat, Upi, Kabuntalan, Mother Kabuntalan at mga bayan ng South Upi at Talitay mula Second District.
Nauna na ring nagpakita ng kanilang pagsuporta ang halos ng mga opisyales ng mga nabanggit na bayan sa paghahati ng lalawigan maging ang mga myembro ng Sangguniang Panlalawigan at mismong ang Gobernadora.
PIC Courtesy Ben Sarigan FB
Usapin sa paghahati ng Maguindanao sisimulan na sa Kongreso
Facebook Comments