
Humihingi ng P500 milyong danyos si PCO Usec. Claire Castro kay Rep. Leandro Leviste, dahil sa isinampang libel case nito na sumisira umano sa kanyang integridad.
Ayon kay Castro, bahagi ito ng kanyang compulsory counterclaim matapos baluktutin ng Kongresista ang ilang detalye sa reklamo laban sa kanya.
Naapektuhan na aniya ang kanyang reputasyon bilang Palace Press Officer at nararapat lamang itong managot.
Giit pa ni Castro, ang pahayag ni Leviste na sasagutin ang kanyang gastusing medikal ay maituturing na pag-amin na ang Kongresista ang dahilan ng kanyang “sleepless nights at anxiety.”
Malinaw umano na ang sitwasyon ay may epekto sa kanyang kalagayan kaya may basehan ang hinihingi niyang danyos.
Facebook Comments










