USEC NA | Isko Moreno – Itinalagang Undersecretary ng DSWD

Manila, Philippines – Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Francisco “Isko” Moreno Domagoso bilang bagong Undersecretary ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Una nang itinalaga si Moreno bilang Chairman ng North Luzon Railways Corporation noong June 2017 pero nagbitiw makalipas ang ilang buwan.

Itinalaga namang Undersecretary ng DENR si Sherwin Rigor habang Assistant Secretary ng Department of Finance si Antonio Joselito Lambino III.


In-appoint din bilang miyembro Board of Directors ng Bases Conversion and Development Authority si Gerard Melocoton Camina.

Kahapon lang nang lagdaan ng Pangulo ang appointment papers ng apat na bagong opisyal.

Facebook Comments