SAWI | Dalawang ASG member, patay sa engkwentro sa Sulu

Sulu – Patay ang dalawang miyembro ng Abu Sayyaf Group matapos maka-engkwentro ng militar sa Parang, Sulu.

Isa sa mga nasawi ay kinilalang si Abrajir Jamsuri.

1:30 kaninang hapon, nagsasagawa ng rescue operations ang special forces troopers nang makasagupa ang mga terorista sa Barangay Lagasan.


Narekober sa pinangyarihan ng 40 minutong engkwentro ang apat na matataas na kalibre ng armas kabilang ang dalawang m14, isang r4 assault rifle at m203 grenade launcher.

Wala namang namatay sa panig ng militar.

Facebook Comments