Manila, Philippines – Walang magiging pakinabang ang bansa sa isinasagawa ngayong Balikatan exercises sa pagitan ng Estados Unidos at Pilipinas.
Ito ang iginiit ni Anakpawis Rep. Ariel Casilao kasabay na rin ng posibleng banggaan sa pagitan ng US at China dahil sa isyu ng West Philippine Sea.
Sinabi ni Casilao na `useless` ang Balikatan para maipagtanggol ang Pilipinas sa ginagawang militarisasyon ng China habang ang China naman na kung noon ay hindi target ang bansa ay posibleng puntiryahin tayo ng kanilang missile system dahil naririto sa Pilipinas ang mga sundalong Amerikano na nagsasagawa ng mga pagsasanay.
Dagdag pa nito, ilang taon na ang mga pagsasanay ng Pilipinas at Amerika at marami na ang mga dumaan na kasunduan pero walang pakinabang na malaki dito ang bansa.
Iginiit ng mambabatas na ipilit na sana ng gobyerno ang national sovereignty at kalayaan mula sa mga panghihimasok ng mga dayuhan.