Manila, Philippines – Sinampahan na ng kaso ng pamilya ng University of Sto. Tomas law student at hazing victim na si Horacio “Atio” Castillo III ang civil law dean ng naturang unibersidad.
Kasong paglabag sa anti-hazing law, perjury at obstruction of justice ang isinampa kay UST Civil of Law Dean Nilo Divina.
Sa kabuuan, aabot sa 14 respondents ang nahaharap sa paglabag sa anti-hazing law at 39 naman sa kasong perjury at obstruction of justice.
Giit ni Atty. Lino Kapunan, abogado ng pamilya Castillo, alam ni Divina ang nangyari kay Atio pero hindi nito ipinaalam sa pamilya Castillo.
Binigyan naman ng Department of Justice Panel of Prosecutors ang mga respondent ng hanggang October 24 para makapagpasa ng kanilang counter affidavit.
Mayroon rin sila ng karagdagang limang araw para naman makasagot ang mga ito sa supplemental complaint affidavit.