UST Law Dean Divina, nagsampa ng kaso laban kina Atty. Lorna Kapunan at Patricia Divina

Manila, Philippines – Nagsampa ng dalawang kaso ng libel at cyber libel ang dean ng UST Faculty of Law na si Nilo Divina, laban kay Atty. Lorna Kapunan.

Ang unang reklamo ay dahil sa pag-uugnay ni kapunan sa kanya sa hazing incident na ikinamatay ng freshman law student na si Horacio “Atio” Castillo III.

Ang ikalawang reklamo naman ay bunsod ng pagsasapubliko ng reklamong disbarment sa kanya at sa dalawampu pang abogado ng kanyang law firm na Divina law.


Idinemanda rin nito si Patricia Bautista, na siyang nagsampa ng disbarment case laban sa kanya.

Inakusahan si Divina ni Patricia ng umano’y pagbibigay niya ng referral fees sa kanyang mister na si COMELEC Chairman Andres Bautista noong 2016 elections.

Dati nang itinanggi ni Divina ang nasabing alegasyon.

120 milyong piso ang hinihinging danyos ni Divina.

Facebook Comments