UST, walang pananagutan sa pagkamatay ni Atio – Civil Law Dean Nilo Divina

Manila, Philippines – Naniniwala si Civil Law Dean Nilo Divina na walang pananagutan ang University of Sto. Tomas sa pagkamatay ng hazing victim na si Horacio ‘Atio’ Castillo III.

Ayon kay Divina, walang pananagutan ang UST dahil ginawa naman ang lahat para mapigilan ang hazing.

Aniya, mahigpit na ipinatutupad ng UST ang anti-hazing policy.


Sa katunayan ay parte aniya ito ng kanilang manual at taunang orientation na isinasagawa para sa lahat ng mga estudyante.

Aminado naman si Divina na iniisip na niyang kumalas sa Aegis Juris Fraternity dahil sa nangyari kay Atio.

Pero hindi naman aniya siya magbibitiw bilang dean sa civil law.

Facebook Comments