Pamilya ng hazing victim na si Horacio Castillo III, sumailalim sa DNA testing

Manila, Philippines – Sumailalim sa DNA testing ang mga magulang ng hazing victim na si Horacio ‘Atio’ Castillo III.

Ayon kay Manila Police District Chief Supt. Joel Coronel, ikukumpara ang DNA samples ng magulang ni Atio sa natagpuang bakas ng dugo sa Aegis Juris library kung saan umano’y isinagawa ang initation rites sa University of Santo Tomas Civil Law Student.

Inatasan rin ng mga otoridad ang magulang ni Atio na tukuyin ang gamit ng kanilang anak sa mga narekober nilang kagamitan sa loob ng naturang library.


Aminado naman ang MPD na hindi madali ang kanilang ginagawang imbestigasyon.

Gayunman, may mga lead na aniya sila sa kinaroroonan ng mga suspek pero kailangan muna nila ng warrant of arrest.

Sa Miyerkules, Oktubre a-4 ay makikipagkita ang mga magulang ni Atio kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Facebook Comments