Manila, Philippines – Nagtala ng panibagong record-high ang utang ng Pamahalaan ng Pilipinas.
Nabatid na umabot na sa P7.160 trillion ang utang ng Pilipinas base sa record na naitala noong buwan ng Setyembre.
Sa datos mula sa Bureau of Treasury (BTr), nadagdagan ng P55.92 billion ang utang bansa kumpara sa buwan ng Agosto.
Nasa P4.587 trllion ang domestic debt habang P2.572 trillion naman ang foreign debt.
Ayon sa Bureau of Treasury (BTr), ang paglobo pa ng utang ng bansa ay dahil sa pag-avail ng Pilipinas sa mga foreign loan na umabot sa P22.52 billion.
Bukod dito, nagkaroon din ng epekto ang paghina ng piso kontra dolyar.
Facebook Comments