PIRATES OF THE CARIBBEAN | Johnny Depp, hindi na gaganap na Captain Jack Sparrow

44

Hindi na gaganap pa bilang sikat na fictional character na captain Jack Sparrow si Johnny Depp sa susunod na sequel ng Pirates of the Caribbean.

Mismong ang writer ng pelikula na si Stuart Beattie ang nag-anunisyo na hindi na gaganap na si Depp na Jack Sparrow kung saan aminado siya na hindi matatawaran ang naging pagganap niya sa karakter na minahal maging ng mga bata.

Dagdag pa ni Beattie, magsisilbi nang legacy ni Depp ang pagiging isang “Captain Jack Sparrow” na madalas ay bitbit niya pa ang nasabing karakter kapag bumibisita sa mga batang may sakit.

Una nang napabalita na susubuking i-reboot ang susunod na franchise ng pelikula at may kinakausap na din ang Disney na bagong mga writers.

Unang lumabas si Depp bilang Jack Sparrow sa Pirates of the Caribbean: The Curse of the Black Pearl” noong 2013 at nasundan pa ito ng apat na sequel at ang huli ay noong may 2017 na “Pirates of the Caribbean: Dead man tell no tales”.

Facebook Comments