Utang ng mga magsasaka, hindi muna dapat pabayaran para maging sapat ang suplay ng pagkain ngayong may pandemya

Iginiit ni Senator Imee Marcos na huwag nang pagbayarin ng utang ang mga magsasakang benepisyaryo ng repormang pang-agraryo para masiguro ang sapat na suplay ng pagkain ngayong nasa kasagsagan tayo ng laban kontra COVID-19 pandemic.

Kaugnay nito ay itinutulak ni Marcos na maisama sa Bayanihan to Recover as One Act o Bayanihan 2 ang probisyon para hindi na bayaran ng mga magsasaka ang principal amount, interes, at mga penalty sa mga inutang na pambili ng lupang sakahan.

Katwiran pa ni Marcos, nagulo ng pandemya ang suplay ng pagkain sa bansa at lalo pang nabaon sa utang ang mga magsasaka dahil sa pagkaantala ng mga biyahe para sa pagbenta ng kanilang mga ani bunga ng mga ipinatutupad na community quarantine.


Sinabi ni Marcos, kapag hindi na pinagbayad ang mga magsasaka sa kanilang mga loan, pwede na ulit silang makautang sa gobyerno para masigurong mamimintina at mapapalago pa ang kanilang mga ani ngayong pandemya.

Facebook Comments