Walong ospital sa General Santos City ang nagpadala ng demand letter sa Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) kaugnay ng hindi nito nababayarang COVID-19 claims.
Ayon sa grupo ng mga ospital, umabot na sa mahigit P834 million ang utang sa kanila ng PhilHealth hanggang noong August 31, 2021.
Giit ni Dr. Jose Rene De Grano, presidente ng Private Hospital Association of the Philippines (PHAPi), dahil sa hindi nababayarang utang ng ahensya, apektado na rin ang cash flow at operasyon ng mga ospital.
Kaugnay nito, nagbabala ang mga ospital na kung hindi pa rin sila mababayaran ay hindi na sila magre-renew ng accreditation sa PhilHealth.
Facebook Comments