Utang ng PhilHealth sa private hospitals ngayong pandemic, umabot na sa P6-B

Umabot na sa P6 billion ang hindi nababayaran ng PhilHealth sa mga pribadong ospital, sa kasagsagan ng COVID-19 pandemic.

Ito ang sinabi ni Private Hospitals Association Philippines (PHAPI) President Dr. Jose Rene de Grano sa Kapihan sa Manila Bay virtual press briefing.

Ayon kay De Grano, maraming private hospitals na ang umaaray dahil apektado na ang kanilang operasyon.


Sa katunayan aniya, marami nang pribadong ospital ang nag-downsize ng bed capacity dahil kakaunti na ang mga nurse, at binawasan din ang expenses o gastos sa mga pagamutan para lamang maka-survive.

Sinabi ni De Grano na higit sa 700 ang mga miyembro ng PHAPI, at 500 dito ay mga aktibo.

Humihingi naman ng saklolo ang PHAPI sa Kongreso para mabayaran na ng PhilHealth ang mga pribadong ospital sa bansa, lalo’t patuloy na lumolobo ang mga kaso ng COVID-19.

Facebook Comments