Umabot na sa record-high na halos P11 trilyon ang utang ng Pilipinas hanggang nitong katapusan ng Abril 2021.
Batay sa inilabas na datos ng Bureau of the Treasury (BTr) ngayong araw, kabuuang P10.991 trillion ang utang na ng Pilipinas na mas mataas ng 2% nitong katapusan ng Marso na nasa P10.774 trillion lamang.
Ayon kay Rizal Commercial Banking Corporation Chief Economist Michael Ricafort, ang paglaki ng utang ay bunsod ng paghiram ng gobyerno sa ibang bansa kung saan umutang ng Euro 2.1 billion (katumbas ng $2.5 billion o mahigit 119 milyong piso) at Japanese Yen 55 billion (katumbas ng $505 million o 24 milyong piso).
Sa nasabing utang, 71.1% nito ay lokal na hiniram, habang ang 28.9% ay inutang sa ibang bansa.
Isa pa umanong dahilan sa pagtaas ng utang ng bansa ang patuloy na kakulangan sa buwang budget na lubhang nakaapekto sa utang ng gobyerno.
Matatandaang nitong Abril, aabot din sa P44.4 billion ang kulang ng Pilipinas para sa pagtaas ng tax collection.