Umabot na sa 11.97 trilyong piso ang utang ng Pilipinas hanggang nitong Oktubre 2021.
Ayon sa Bureau of Treasury, bahagya itong mas mataas kumpara sa 11.91 trilyong piso na naitala noong Setyembre 2021.
Ang pagtaas ay dahil sa nadagdag na 19.38% annual growth.
Kasabay nito, umabot na rin sa 22.58 bilyong dolyar o katumbas ng 1.15 trilyong piso ang hiniram ng Pilipinas para sa pagtugon sa COVID-19 pandemic.
Paliwanag ng Department of Finance (DOF), hiwalay pa ito sa total financial cost kasama ang interest na nasa 28.91 bilyon dolyar o katumbas ng P1.47 trillion.
Sa pagitan ng taong 2024 at 2060 ang due payment ng utang.
Facebook Comments