PDP-Laban posibleng mag-adopt na lamang ng presidential candidate

332

Posibleng mag-adopt na lamang ng ibang kandidato sa pagka-pangulo ang Partido Demokratiko Pilipino Lakas ng Bayan o PDP-Laban.

Ito ay matapos umatras si Sen. Christopher “Bong” Go sa laban sa pagka-presidente sa nalalapit na eleksyon 2022.

Ayon kay PDP-Laban Executive VP at CabSec. Karlo Alexei Nograles kinokonsulta na nila ito sa mga kasamahan sa Partido.


May nakatakda aniya silang serye ng mga pagpupulong at sa sandaling may mabuong desisyon ay agad nila itong isasapubliko.

Facebook Comments