Utang ng Pilipinas, posibleng lumobo sa P13.6-T sa 2022!

Ikinababahala ng mga mambabatas ang patuloy na paglobo ng utang ng Pilipinas.

Sa deliberasyon sa Kamara, sinabi ni Sultan Kudarat Rep. Horacio Suansing na posibleng pumalo sa P13.6 trillion ang utang ng Pilipinas pagsapit ng 2022 na katumbas ng 59.9 percent ng Gross Dometic Product (GDP) ng bansa.

Nitong Agosto, nasa P9.6 trillion na ang utang ng bansa at nababahala si House Deputy Minority Leader Carlos Isagani Zarate na sumampa ito sa P10 trillion ngayong taon.


Nabatid na aabot na sa P479 billion ang foreign loans ng bansa.

Huling umutang ang Pilipinas sa China ng P37 billion noong June 5, 2020 para sa paglaban at pagtugon sa COVID-19 pandemic.

Facebook Comments