Utang ng Pilipinas, umaabot na sa 9.1 trillion pesos – Bureau of Treasury

Sumampa na sa ₱9.164 trillion ang kabuuang utang ng Pilipinas matapos itong madagdagan ng nasa ₱110.1 billion noong nakaraang buwan.

Sa datos ng Bureau of Treasury, lumobo ang utang ng national government na nasa ₱9.054 trillion noong Hunyo dahil sa patuloy na paghiram ng bansa ng pera para sa pagtugon sa COVID-19 pandemic.

Nasa 18.5% ang itinaas ng outstanding debt ng bansa matapos maghiram ng nasa ₱1.432 trillion mula sa simula ng taon.


68.3% ay mula sa locally based financial institutions habang nasa 31.7% ay mula sa foreign creditors.

Ngayong taon, inaasahang aabot ang outstanding debt ng Duterte Administration sa higit 10 trilyong piso.

Facebook Comments