Umabot na sa P11 trilyon ang utang ng Pilipinas ngayong COVID-19 pandemic.
Pero ayon kay Department of Finance (DOF) Secretary Carlos Dominguez III, nananatiling “manageable” ang nasabing utang ng Pilipinas.
Sa nasabing halaga, umabot sa P3.14-T ang total revenue noong 2019 habang ang expenditure ay sumampa sa P3.8 trillion dahilan kaya P666 million lamang ang deficit.
Sa kabila nito,lumaki aniya ang deficit noong 2020 at ngayong taon ay umabot na sa P1.37 trillion at P1.86 trillion.
Nilinaw naman ng kalihim na mababalik pa rin ang kita ng bansa sa pagbubukas ng ekonomiya sa susunod na taon o sa 2023.
Facebook Comments