UTANG | Palasyo, ipinaubaya na sa U.S. kung magbabayad sa mga pamilya ng mga Pinoy na pinaslang sa Samar

Ipinauubaya na ng Malacañang sa Estados Unidos kung magbabayad ng kompensasyon sa mga pamilyang pinatay ng mga sundalong Amerikano sa Balangiga, Eastern Samar noong 1901.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo – habambuhay nang utang ng Amerika ito sa Pilipinas.

Bahala na ang U.S. kung sa paanong pamamaraan babayaran ang ginawa nitong pagpaslang sa mga Pilipino noon.


Para kay Panelo – malaki ring bagay na isinauli ng Amerika sa Pilipinas ang Balangiga bells.

Nagpapasalamat ang Palasyo sa U.S. Government dahil sa pagsasauli ng mga kampana.

Gayunman, dapat din aniya itong magsilbing alaala sa Amerika na sila ang unang lumabag sa karapatang pantao at dapat na magsilbing aral sa kanila.

Facebook Comments