Utos ng pangulo na arestuhin ang mga lumalabag sa face mask protocol, hindi sinang-ayunan ni VP Robredo

Hindi pabor si Vice President Leni Robredo sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na arestuhin ang mga taong hindi nagsusuot ng wasto ng kanilang face masks.

Sa programang Biserbisyong Leni sa RMN Manila, tanong ni Robredo kung bakit kailangang pag-aresto agad ang gagawin.

Pagkwestyon pa ng Bise Presidente na mga ordinaryong mamamayan lamang ang maaapektuhan nito gayung may mga malalaking personalidad ang lumalabag din sa patakaran at hindi naaaresto.


Sa halip na arestuhin, sinabi ni Robredo na dapat turuan ang publiko sa tamang pagsusuot ng face masks.

Sa ibang bansa aniya, ang mga lumalabag sa health protocols ay pinagbababayad ng multa.

Hindi rin maintindihan ni Robredo kung bakit kailangang ikulong ang mga violators lalo na at mataas ang tiyansang magkahawaan ng virus sa loob ng mga piitan dahil sa kawalan ng espasyo at ventilation.

Facebook Comments