Manila, Philippines – Iginiit ni Magdalo Rep. Gary Alejano na hindi na bago ang utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na okupahan ng militar ang mga isla sa West Philippine Sea.
Ayon kay Alejano, matagal ng okupado ng mga sundalo ang mga isla sa West Philippine Sea at sa katunayan ay nakatayo din sa mga isla ang watawat ng Pilipinas.
Lumalabas tuloy aniya na kulang sa kaalaman ang Pangulo pagdating sa sigalot sa nasabing mga teritoryo.
Pabor naman si Alejano sa plano ng rehabilitasyon at pagtatayo ng imprastraktura sa West Philippine Sea dahil matagal din itong natengga sa kabila ng pondo na nailaan na dito ng Kongreso.
Pero, mistula aniyang nangangampanya pa rin ang Presidente sa mga pahayag nito dahil ito ang dapat na ginawa ng Pangulo sa unang araw na naupo ito sa pwesto.
Sa halip aniya na ilaban ang sovereignty rights ng bansa ay hinayaan ng Pangulo na pumasok ang China sa teritoryo lalo na sa Benham Rise na malinaw na betrayal of public trust.
Ang dapat gawin ngayon ni Duterte ay ilaban ang national interest at national security ng bansa lalo na ang kapakanan ng mga residente na naninirahan sa mga isla ng West Philippine Sea.
Kailangan aniyang paigtingin ang rules of engagement sa ibang mga claimants sa West Philippine Sea at maglatag ng malinaw na contingency action upang mailaban ang teritoryo laban sa mga nagbabantang sakupin ito.
Nation”, Conde Batac