Utos ng Pangulo sa gabinete at militar na huwag dumalo sa pagdinig ng Senado ay inciting to sedition

Ayon kay Senator Richard Gordon, inciting to sedition ang utos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa miyembro ng kanyang gabinete at militar na huwag dumalo sa pagdinig ng Senado.

Diin ni Gordon, paglabag naman sa separation of power ang pagbanat ni Pangulong Duterte sa Commission on Audit (COA) na naglabas ng report ukol sa maling paggasta ng Department of Health (DOH) sa bilyon-bilyong pisong pantugon sa COVID-19 pandemic.

Giit ni Gordon, ang mga ganitong aksyon ng Pangulo na bumabali sa rule of law ay nagpapakita ng hindi magandang senyales sa mga dayuhang mamumuhunan.


Facebook Comments